^

Police Metro

RJ nangako sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Caloocan

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng Caloocan City ang pangunahing layunin at plataporma ni Liberal Party (LP) Caloocan mayoralty bet Rico  Judge “RJ” Echiverri na anak nina incumbent city Mayor Enrico at Pu­ri­ficacion Echiverri  na maituturing na isa sa mahusay na abogado sa bansa dahil sa Ateneo De Manila Law School ito nagtapos.

Ilan  sa mga programa ng batang Echiverri sa mamamayan ng Caloocan ay ang paninindigan sa prinsipyo na ang de kalidad na edukasyon na abot-kamay ng masa.

Hangad din na lalo pang makilala ang lung­sod bilang isang malinis, payapa at maayos at mapanatiling laging handa ang mga komunidad sa kahit anumang sakuna para sa kapakanan ng taong bayan.

Isusulong din nito ang programang pangkalusugan sa pamama­gitan ng pagtatayo ng  Os­pital ng Caloocan sa North Caloocan City, pag­lalagay ng mga ma­­­kabagong medical equip­ments sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center, kasama na rin ang  mga health centers.

Ipatutupad din ni RJ sakaling palarin ang very efficient governance kung saan dapat aniya ang matibay na pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang sektor ng lipunan sa pamamagitan ng epektibong pamama­lakad ng gobyerno para sa masa.

vuukle comment

ATENEO DE MANILA LAW SCHOOL

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

ECHIVERRI

LIBERAL PARTY

MAYOR ENRICO

NORTH CALOOCAN CITY

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with