Enrile: Food supply protektahan
MANILA, Philippines - Nanawagan si UniÂted Nationalist Alliance (UNA) senatoriable Jack Enrile sa pamahalaan na gumawa ng mga pamamaraan na magbibigay ng proteksiyon sa ‘food supply’ sa bansa bunsod umano ng nararanasang climate change.
Ayon kay Enrile, kung talagang seryoso ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) na magkaroon ng sapat na supply ng pagkain sa bansa ay dapat ngayon pa lamang ay masusi ang pag-aaral sa epekto ng climate change.
Ani Enrile, dapat ng paghandaan ang ‘ill-effects at radical changes ng weather’ sa Pilipinas upang hindi masira ang mga pananim ng mga magsasaka at hindi magkaroon ng kakulangan ng supply ng pagkain sa bansa.
Sinabi ni Enrile, kapag nagkaroon ng kakulangan ng supply na pagkain ay tiyak na lalala ang iba’t ibang kriminalidad sa bansa.
- Latest