Kolehiyo ng Subic, ipasasara ng CHED
MANILA, Philippines -Pinaratangan ng isang kandidato ng Liberal Party sa Subic, Zambales ang pamilya Khonghun na umano ay nagsasamantala sa scholarship programs para sa kanilang kapakinabangang pampolitika at pinabayaan ang kolehiyong pinatatakbo ng pamahalaang lokal kaya magsasara na ito.
Ayon kay Ruben GaÂduang, nagtulak sa pagtatatag ng Kolehiyo ng Subic noong konsehal siya, ang islogan na “Edukasyon Tungo sa Kaunlaran†na ginamit ng pamilyang Khonghun at nagkakaloob ng scholarships sa kolehiyo mula sa pondo ng Subic ay isang malaking kasinungalingan.
Sinabi ni Gaduang na trinato ng mga Khonghun ang Kolehiyo ng Subic bilang “balwarte†kahit pinopondohan ng Subic ng P12 milyon kada taon sa kabila ng masamang performance at maraming paglabag ng kolehiyo para magtamo lamang ng boto.
Nag-akusa si Gaduang na ginamit ni Jeffrey Khonghun, kandidato sa 1st district of Zambales, ang Kolehiyo ng Subic bilang gamit sa kampanya kahit batid nitong malapit nang isara ang kolehiyo ng Commission on Higher Education (CHEd).
May ulat ang CHEd noong 2009 na si Jeffrey Khonghun ang Subic mayor na ang Kolehiyo ng Subic ay walang accredited programs, walang quality assurance system, walang curricular review committee, at iba pa.
Ang opisyales ng munisipyo ng Subic ang nagsilbing departments heads ng Kolehiyo ng Subic kahit walang kaukulang edukasyon at ipinasa rin ni Jeffrey ang panguluhan ng kolehiyo sa anak na si Jefferson nang matapos ang kanyang termino bilang alkalde.
Nitong Abril 22, 2013, sumulat si CHed Director Virginia Akiate kay Jefferson Khonghun na mayor ngayon at presidente ng Kolehiyo ng Subic na maraming pagÂlabag ang paaralan kaya dapat nang i-phaseout sa 2014 ang mga kursong BS in Accountancy, Business Administration, Bachelor of Elementary Education at Bachelor of Secondary Education.
- Latest