^

Police Metro

Koko, inendorso ng chess groups sa Bulacan

Pang-masa

MANILA, Philippines -Inendorso  ng All Bulacan Chess Federation (ABCF) ang kandidatura ni re-electionist Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na isang mahusay na manlalaro ng ahedres at laging sumusuporta sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Ayon kay ABCF president at National Arbiter Richard dela Cruz, hindi sumusuporta si Pimentel sa chess bilang chairman ng Senate committee on Games and Amusement kundi naging aktibong manlalaro rin ito noong iskolar sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

“Dapat talagang suportahan ng lahat ng chess players at ng kanilang mga pamilya  si Sen. Koko Pimentel dahil naging varsity player siya ng UP chess team kaya makikita sa performance niya sa Senado na nag-iisip muna siyang mabuti bago magpasya sa kanyang aksiyon,” ani Dela Cruz.

“Full support din siya sa mga chess tournament kaya marami nang grandmaster ang Pilipinas nga­yon,” dagdag ni Dela Cruz.

“Sumuporta rin kay Pimentel ang chess groups sa Bulacan tulad ng Sta. Maria Chess Club sa pamumuno ni Engr. Norben de Jesus at ang muling binuhay na Balagtas Chess Club sa ilalim ni  Ariel Borlongan.

ALL BULACAN CHESS FEDERATION

ARIEL BORLONGAN

BALAGTAS CHESS CLUB

CHESS

DELA CRUZ

GAMES AND AMUSEMENT

KOKO PIMENTEL

MARIA CHESS CLUB

NATIONAL ARBITER RICHARD

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with