Tirador ng angkla ng bangka inutas
MANILA, Philippines -Isang 20-anyos na mangingisda ang namatay noon din matapos na pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ito ay nanonood ng paliga ng basketball kamakalawa ng gabi sa Navotas City.
Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si Roy Lozan, 20, residente Marikit St., Barangay Tanza.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa paÂngalang “alyas Asyongâ€.
Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa isang basketball court sa Marikit St., Barangay Tanza ng naturang siyudad habang ito ay nanonood ng basketball.
Ayon sa pulisya na ang biktima ay kilala umanong tirador ng mga angkla ng bangka sa kanilang lugar.
- Latest