^

Police Metro

Ginaya ang larong Counter Strikes… 4-anyos todas sa 7-anyos

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Malaki ang hinala ng pulisya na ginaya ng isang 7-anyos na kuya ang kanyang nilalaro na video games na Counter Strikes kaya’t aksidenteng nabaril nito at napatay ang 4-anyos nitong kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Bantayan Island, Cebu kamakailan.

Itinago ng pulisya sa pangalang Mar, 4-anyos ang biktima ganun din ang suspek sa pangalang Buboy, 7-anyos at narekober dito ang kalibre 45 na baril.

Batay sa naantalang ulat ng Cebu Provincial Police Office na ipinadala sa Camp Crame kahapon na ang insidente ay naganap noong Linggo ng alas-11:00 ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bantigue, Bantayan Island.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang insidente ay kauuwi lang ng magkapatid mula sa isang birthday party nang ito ay magpaalam sa kanilang nanay na maglalaro ng video games na tinatawag na Counter Strikes sa labas.

Ilang oras ang nakalipas ay umuwi na nang bahay ang magkapatid na siya namang pag-alis ng kanilang nanay para hanapin ang kanilang tatay.

Pagkalabas ng pinto ng bahay ay nakarinig ang nanay ng isang malakas na putok ng baril sa loob.

Kaya’t dali-dali itong pumasok ng bahay at ganun na lamang ang pagka­bigla nito nang makita ang bunso na duguang nakabulagta habang ang panganay ay tulala at bitbit ang baril.

Agad na itinakbo ang biktima sa Bantayan District Hospital, pero idineklara rin itong dead on arrival.

Inaalam pa ng otoridad kung kanino ang baril na ginamit ng kuya na inilagay na sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

vuukle comment

BANTAYAN DISTRICT HOSPITAL

BANTAYAN ISLAND

BARANGAY BANTIGUE

BATAY

BUBOY

CAMP CRAME

CEBU PROVINCIAL POLICE OFFICE

COUNTER STRIKES

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with