Misis ginabi sa pag-uwi ginulpi ng mister na Jordanian
MANILA, Philippines - Mga suntok sa mukha ang sumalubong sa isang misis matapos siyang gulÂpihin ng mister na isang Jordanian na nagalit dahil sa ginabi ito sa pag-uwi kaÂmakalawa ng gabi sa VaÂlenzuela City.
Ang biktima ay nakilaÂlang si Amal De Dios Mahmoud, 28-anyos na nagsampa ng reklamo sa pulisya laban sa mister nitong si Jalal Hassan MahÂmoud, 56, ng Pedrical St., Barangay Karuhatan ng lungsod.
Sa salaysay ng biktiÂma, na may nakaaway ito sa isang beauty parlor kaÂmakalawa ng hapon kung kaya’t nadala siya sa presinto.
Nang malaman ng susÂpek ang nangyari ay piÂnuntahan nito ang misis sa presinto na kung saan ay naayos naman ang gulo.
Subalit sa halip na umuwi sa kanilang bahay ang biktima ay nagtuloy ito sa bahay ng kanyang tatay kasama ang 3-anyos na anak kaya’t nakauwi ito dakong alas-10:00 ng gabi.
Pagdating sa bahay ay nagalit ang suspek at dito na siya ginulpi.
- Latest