^

Police Metro

Ex-cop inutas ng lover dahil sa pera

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatalo sa pera na naipatalo sa casino ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang 48-anyos na ginang ang isang da­ting pulis-Pasay kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tinamong apat na tama ng bala ng kalibre .22 sa ulo, leeg, tagiliran at tiyan ay kinilalang si SPO1 Ernesto Chaves Mateo, 54, dating nakatalaga sa Pasay City Police na nag-avail umano ng early retirement at resi­dente ng no. 1911 Campillo St., Malate, Maynila.

Ang suspek na kusang loob na sumuko sa MPD-Station 9 ay kinilalang si Cynthia Baybayon, 48, area supervisor ng isang carpark, tubong Masbate at naninirahan sa Lourdes St., Pasay City.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-4:00 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng biktima ay nagtalo muna ang mga ito ukol sa pera na ipinatalo ng biktima sa casino ng Manila Pavillon sa United Nations Ave­nue, Ermita.

Pagdating sa bahay ay ayaw na umanong pa­pasukin ng biktima ang suspek kaya’t siningil ng una ang utang na pera ng huli sa kanya.

Nauwi umano sa pag­-aalsa  ng boses ni SPO1 Mateo at kinuha ang ka­­niyang baril at iti­nu­tok kay Baybayon na mabilis umano ng naagaw hanggang sa magpambuno sila at pinagbabaril ang bikti­ma.

CAMPILLO ST.

CYNTHIA BAYBAYON

ERNESTO CHAVES MATEO

LOURDES ST.

MANILA PAVILLON

MAYNILA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with