13 supporters ng mayoral bet todas sa ambush
MANILA, Philippines - Tinambangan ng mga armadong kalalakihan ang convoy ng isang kumakandidatong alkalde na kung saan ay napatay ang 13 supporters at pagkasugat ng 10 iba pa kamakalawa ng gabi sa Brgy. Malaig, Nunungan, Lanao del Norte.
Kinilala ang mga nasawi na sina Adnani Manamparan, 30, anak na babae ni Nunungan Mayor Abdulmalik Manamparan, na ngayo’y tumatakbong bise alkalde at ang anak nitong lalaki na kumakandidatong mayor; Baby Dimasangkay; Lala Jambrang; Pita Saripata; Baubi Kawasa; Alenor Mamantoc; Sahidun Mamantoc; Johani Bantuas, isang alyas Nobaesa at isang CAFGU na hindi natukoy ang pagkakaÂkilanlan.
Ang 10 na nasugatan na kinabibilangan ng isang alkalde at isang pulis na tinukoy sa apelÂyidong PO1 Agutin.
Batay sa ulat, bandang alas-6:25 ng gabi habang bumabagtas ang convoy ni Mayor Manamparan na lulan ng dump truck nang paulanan sila ng bala ng may 10-15 kalalakihan.
Ang mga biktima ay kagagaling lamang sa campaign rally ni Mayor Manamparan na tumatakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) at pauwi na sa Brgy. PobÂlacion ng nasabing bayan nang mangyari ang panaÂnambang.
Agad namang nagÂresponde ang tropa ng Army’s 103rd Brigade sa lugar at ini-evacuate ang mga sugatan sa ambush site saka isinugod sa pagamutan bagaman hindi na inabutan ang grupong nanambang.
Inamin din ni Mayor Manamparan na nakatanggap siya ng death threats bago ang panaÂnambang.
Sinabi ng opisyal na rido o clan war ang paÂngunahing motibo ng ambush dahilan sa kilala ng pamilya ng alkalde ang ilan sa nanambang pero sa kabila nito ay hindi inaalis ang anggulo ng pulitika.
- Latest