^

Police Metro

Buntis uminom ng abortion pills, naospital

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bantay-sarado ng mga otoridad ang isang 26-anyos na dalaga na ino­obserbahan sa Ospital ng Maynila, matapos malaglag ang nasa sina­pu­punang dalawang buwan fetus kamakalawa ng hapon.

Ayon kay SPO1 Ju­lieto Malindog, ng Ma­nila Police District-Homi­cide Section, sa­sam­pahan nila ng kaso ang dalaga na itinago sa pangalang “Giselle”, ng Paco, Maynila kung mapapatunayang sinadya nitong ilaglag ang dala­wang buwang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Nabatid na isinugod si Giselle sa nasabing ospital dahil sa matinding sakit ng tiyan at pagdurugo matapos uminom umano ng isang gamot na pam­palaglag na nabili nito.

Nabatid na naka­tak­dang mangibang-bansa ang dalaga para mag­tra­baho.

AYON

DALAGA

JU

MALINDOG

MAYNILA

NABATID

OSPITAL

POLICE DISTRICT-HOMI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with