^

Police Metro

‘Alay kapatiran’ ni RJ malaki ang naitulong sa mga barangay

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang naitulong ng programang “Alay Kapatiran” na ipinatutupad ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri na layuning matulungan ang mga opisyales ng barangay na namamatay sa sakit at aksidente.

Base sa record na nakalap sa tanggapan ni Echiverri, umabot na sa 60 opisyales ng barangay sa Caloocan City ang natulungan ng Alay Kapatiran na sinimulan noong 2007 hanggang sa kasalukuyan kung saan ay nakatanggap ang pamilya ng mga namatay na barangay officials ng halagang P50,000 bawat isa.

Sa kasalukuyan, ginagaya na rin sa buong bansa ang programang ito na sini­mulan ni RJ dahil sa tulong na maipagkakaloob nito sa pamilyang maiiwan ng mga namatay na opisyales ng barangay sa Pilipinas.

Simula noong 2009 hanggang 2013 ay umabot na sa 41 opisyales ng barangay ang natulungan ng medical assistance kaya’t hindi na nahirapan ang pamilya ng mga ito na hu­manap ng ipambabayad sa ospital at ipambibili ng gamot.

vuukle comment

ALAY KAPATIRAN

BARANGAY

CALOOCAN CITY

COUNCILOR RICOJUDGE

ECHIVERRI

LIGA

MALAKI

PILIPINAS

PILIPINAS PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with