Riding in tandem crime tututukan ni Enrile
MANILA, Philippines -Plano ni UNA senatoriable Jack Enrile na rebyuhin ang batas tungÂkol sa pagbibigay ng piyansa sa mga nahuÂhuli na may dalang baril kung palarin siya sa SeÂnaÂdo ngayong halalan.
Ayon kay Enrile na siya ay masyado nang naÂbabahala sa sunud-sunod na pagpatay sa mga inosenteng sibilyan na kagagawan ng riding in tandem na kung saan ay halos magkasunod na pagpatay sa isang broadcaster sa Zamboanga-Sibugay at isang driver ng tumatakbong konsehal sa Pasay City nitong linggo lamang.
Noong nakaraang linggo rin ay isang tomÂboy sa Rizal ang pinatay at isang ginang naÂÂman sa Maynila ang itiÂnumba ng mga riÂding in tandem.
“Ano ang ginagawa ng mga otoridad natin sa araw-araw at tila nagiging pangkaraniwan na lang ang mga patayang ito?†tanong ni Enrile.
Naniniwala si Enrile na may problema sa intelligence ang mga otoridad dahil hindi nila mahuli ang mga suspek o mapigilan ang ganitong uri ng krimen.
Ani Enrile, kumpleto at sapat naman ang intelligence funds na inilaan ng kongreso sa mga law enforcement at military intelligence units at maging sa Office of the PreÂsident.
Nais ng mambabatas galing sa Cagayan na magpanukala ng isang batas laban sa mga riding in tandem para sa proteksyon at kapakanan ng mga orÂdinaryong mamamayan.
- Latest