Police asset inutas sa harap ng nobyo
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 32-anyos na giÂnang matapos itong pagÂbaÂbarilin sa harap ng kanÂyang nobyo kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ay kinilalang si JoÂceÂlyn Eugenio, 32-anyos, resiÂdente ng no. 2511 Galvez Compound, Aurora St., sa naturang lungsod.
Batay sa ulat, nagaÂnap ang krimen dakong alas-12:45 ng madaling araw sa kanto ng P. Santos at Tolentino St., haÂbang naglalakad ang biktima kasama ang nobÂyong si Peter Gako, 43, nang suÂmulpot ang isang lalaki na nakatakip ang mukha ng damit pang-itaas at agad na pinaputukan si Eugenio.
Ayon kay Gako, hinaÂbol rin siya at pinaputukan ng salarin ngunit naubusan ito ng bala kaya siya nakaÂligtas.
Nang tumakas ang suspek, sinamantala ito ni Gako para saklolohan ang nobya at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na rin nabuhay.
Malaki ang hinala ni Gako na maaaring may kinalaman sa pagiging dating police asset ng nobya ang ugat ng krimen dahil sa ilang drug pushers rin sa lungsod ang naipakulong nito.
- Latest