‘Bigger pie, bigger slice’ policy isusulong ni Koko
MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni reelectionist Senator AquiÂlino “Koko†Pimentel III na mahalaga ang pag-unlad ng bansa sa tulong ng Local Government Units o LGU’s sa isinusulong niya na panukalang dagdagan ang share ng LGU’s sa national taxes na kanyang tinatawag na “bigger pie, bigger slice†policy.
Ayon kay Pimentel, sa ngayon ay 40 porsiyento lamang sa nakokolektang buwis ang nakukuha ng LGU’s bilang Internal ReÂvenue Allotment o IRA pero sa kanyang panukalang tatawaging Share in the National Taxes o SNT ay dapat maging 50/50 na ang hatian ng national at local governments sa mga nakokolektang buwis.
“Dapat talaga na hating-kapatid sa buwis ang pambansang gobyerno at LGU’s para lalong bumilis ang ekonomikong pag-unlad ng mga probinsiya, siyudad, bayan at maging ang mga barangay,†ayon kay Pimentel.
“Lilikha rin ito ng mas maraming trabaho at maÂkaÂpagbibigay sa taumbayan ng mas malawak na serbisyong panglipunan na kailaÂngang-kailangan ng mahihirap na mamamayan,†dagdag ng senador.
- Latest