Signal jammers banta sa eleksyon
MANILA, Philippines - Isa umanong malaking banta sa kasagraduhan ng gaganaping midterm elections sa Mayo ng taong ito ang nagsusulputang signal jamming device na naipuslit sa bansa.
Ito ang naging babala kahapon nina Commission on Elections (ComeÂlec) Chairman Sixto Brillantes at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa isinagawang press conference sa Camp Crame.
Ayon kay Brillantes Jr., maaring magamit ng mga cellphone jammers ang mga apparatus o jamming device upang harangin ang mabilisang pag-transmit ng resulta ng eleksyon sa mga Precint Count Optical Scan Machines (PCOs) at bunga nito ay maaring pagdudahan pa ang resulta ng halalan.
Binalaan ni Brillantes ang mga tiwaling kandidato na mahuhuling gumagamit ng mga jamming devices na ididiskuwalipika ang kandidatura at mananagot sa batas sa kasong kriminal.
Anya sa normal na proseso sa paggamit ng mga PCOs o automated machine sa loob ng 48 oras ay batid na ang resulta ng eleksyon sa mga polling precints pero kung mananabotahe ang mga jammers ay maantala ito dahilan sa pagkawala ng signal ng mga telecommunication lines.
Nanawagan naman si Sec. Roxas sa publiko na agad ireport sa mga otoridad ang mga personalidad na gagamit ng naturang mga jamming device lalo na sa panahon ng halalan.
Dapat rin anya na maÂging vigilante ang lahat sa pagbabantay ng boto ng mamamayan na maaring masabotahe ng naturang mga jamming device.
Inamin naman ni National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordova na mabibili sa murang halaga ang naturang mga jamming device na umano’y gawa sa China.
May katapat na 2 hanggang 6 taong pagkakabilanggo na walang parole ang sinumang mahuhuli na sumasabotahe sa eleksyon.
Nabatid na ang mga signal jamming device ay kaÂhalintulad lamang ng ordinaryong wireless routers na may apat na antena na sumusukat mula 10 hanggang 20 metro at maari ring i-plug maging sa outlet ng mga behikulo. – Joy CanÂtos, Ricky Tulipat –
- Latest