^

Police Metro

‘Fun run’ bawal muna – MMDA

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi muna pinapahin­tulutan ng Metropolitan Manila Development Au­thority (MMDA) ang pagdaraos ng “fun run o marathon” ngayong Linggo bilang bahagi ng pagtiyak sa seguridad ng publiko kasunod ng naganap na pagsabog sa Boston sa Estados Unidos.

Ayon kay Vincent Li­zada, ng MMDA-Metrobase, hindi muna sila nag-isyu ng permit sa anumang uri ng fun run, marathon o kahalintulad na aktibidad para ngayong linggo sa pangamba na magaya rin ang Pilipinas sa nangyari sa Estados Unidos.

Sinabi ni Lizada na mas mabuti na umanong nag-iingat ang otoridad kaysa sa masyadong re­laks at malulusutan ng mga terorista.

Una nang nanawagan ang MMDA sa mga orga­nizers ng mga fun run at marathons at sa Philippine National Police (PNP) sa paghahanda ng “security plans” at pagkuha ng permit muna bago magsagawa ng fun runs sa Kamaynilaan.

Usong-uso ngayon ang mga “fun runs at mini-marathons” na dinudumog ng libo-libong local at maging mga dayuhang “running enthusiasts”.

vuukle comment

AYON

ESTADOS UNIDOS

KAMAYNILAAN

LINGGO

LIZADA

METROBASE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AU

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

VINCENT LI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with