4 na obrero nalibing sa gumuhong basura
MANILA, Philippines - Apat na obrero ang nalibing ng buhay sa tambak ng mga basura matapos na gumuho ang pribadong sanitary landfill sa Rodriguez, Rizal nitong Biyernes ng hapon.
Habang sinusulat ang balitang ito ay pinaghahaÂnap pa mula sa gumuhong basura sina Pablito Esto, Rodivico Ohod, Eddie Malano at Gary Balahibo.
Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, nabatid na dakong alas-3:45 ng hapon ng maganap ang pagguho ng sanitary landfill sa Brgy. Isidro, Rodriguez, Rizal.
Agad namang nagresÂponÂde sa lugar ang search and rescue team upang hanapin ang mga nawaÂwalang biktima na pinaÂngangambahang nasawi sa insidente.
Nagawa namang maÂÂkaÂligtas ang ilan sa kaÂsaÂmaÂhan ng apat na siyang nag-Âreport ng insidente sa mga awtoridad.
Noong Biyernes ng gabi ay pansamantalang inihinto ang search and resÂcue operations dahil sa banta ng panibagong pagguho ng basura at muling itinuloy noong Sabado ng alas-5:00 ng umaga.
- Latest