Palarong pambansa 2013, simula na
MANILA, Philippines - Pasisimulan ngayong araw na ito (Abril 21) ang Palarong Pambansa 2013 ng Department of Education (DepEd) na gaganapin sa Dumaguete City, Negros Oriental.
Ayon kay Education Secretary Br. Armin A. Luistro FSC, inatasan naniya ang lahat ng mga opisÂyal ng Palaro, gayunÂdin ang mga atleta, at school administrators na isulong ang mga environmentally-sound practices upang maproteksiyunan ang kapaligiran sa buong panahon ng Palaro na magtatagal hanggang sa Abril 27.
Isa aniya sa mga magiging highlight ng green Palaro ay ang pagtatanim ng mula 10 hanggang 15 puno ng bawat isang delegasyon sa school comÂpound kung saan sila mananatili.
Maaari umanong isaÂgawa ang tree planting sa buong panahon ng kaÂnilang pananatili sa natuÂrang paaralan.
Nabatid na ang mga local unit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang magkakaloob ng mga seedlings na itatanim ng mga kalahok sa Palaro.
Alinsunod naman sa DepEd memo No.61 seÂries of 2013, lahat ng PaÂlaro participants at mga opisyal nito ay inaatasang magdala at gumamit ng sari-sarili nilang washable plates at kitchen utensils, sa halip na gumamit ng mga Styrofoam at mga plastic materials.
Ipapatupad din ang tamang waste segregation collection at disposal at mahigpit na ipagbabawal ang pagsusunog ng mga basura.
- Latest