^

Police Metro

Edukasyon prayoridad ni RJ sa Caloocan

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang edukasyon ang isa sa prayoridad sa Caloocan City ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President at Liberal Party (LP) mayoralty candidate Ricojudge “RJ” Echiverri kapag nanalo itong alkalde ng lungsod sa darating na May 13 election.

Ayon kay Echiverri, ang edukasyon ang isa sa magiging sandata ng mga kabataan upang marating ng mga ito ang kanilang pinapangarap at ito rin ang paraan upang maabot ng mga estudiyante ang kanilang hangaring umangat sa buhay.

Ang hangarin na ito ni RJ ay nagsimula nang simulan nito ang pagsisilbi bilang kapitan ng Barangay 84 sa Mor­ning Breeze hanggang sa maging presidente ito ng Liga ng mga Barangay-Caloocan Chapter at manalo itong pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas ng dalawang magkasunod na termino.

Isa sa mga inilaban ni RJ na mabigyan ng katuparan ay ang pagpapatupad sa Section 393 ng Local Government Code kung saan ay mabibigyan ng libreng tuition fee ang mga anak ng mga barangay officials sa buong Pilipinas sa lahat ng state universities at colleges.

Naging katuwang din ito ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa pagbigay ng solusyon sa lahat ng suliranin ng mga pampublikong paaralan kabilang na dito ang pagpapagawa ng 640 classrooms na nagagamit ngayon.

 

BARANGAY-CALOOCAN CHAPTER

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

LIBERAL PARTY

LIGA

LOCAL GOVERNMENT CODE

PILIPINAS

PILIPINAS PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with