^

Police Metro

Koko suportado ang martial arts seminar

Pang-masa

MANILA, Philippines -Sinuportahan nina Senador Aquilino “Koko” Pimentel III at Ecoshield Development Corporation President D. Edgard Cabangon  ang  nakatakdang seminar ng Martial Arts ng Iran na TOA  sa Mayo 16-20 na gagawin sa gusali ng KABAKA sa Nagtahan, Pandacan, Maynila.

Ang TOA na national martial arts ng Iran at ki­nikilala ng Iran Olympic Committee at Physical Education ng Iran ay may kahulugang YOU (TO) COME (A) na may konseptong humihimok ng disiplina sa kabutihan, ka­tapatan, pagmamahal sa bayan at katapangan.

Ayon kay Pimentel, tagapangulo ng games and amusement committee sa Senado, wastong matutuhan ng mga kabataan ang ganitong uri ng isports para sa kanilang kalusugan at magkaroon ng disiplina para makaiwas sa masasamang bisyo tulad ng paggamit ng ilegal na droga.

“Basta isports susuportahan natin tulad ng chess at boxing dahil mahalagang magkaroon ng mga ganitong uri ng disiplina ang ating mga kabataan,” ayon kay Pimentel na may akda ng Philippine Boxers’ Welfare Act at opisyal din ng Philippine Chess Federation.

Ang mga interesadong lumahok sa nasabing seminar ay maaaring makipag-ugnayan sa mobile number 09086680311.

vuukle comment

ECOSHIELD DEVELOPMENT CORPORATION PRESIDENT D

EDGARD CABANGON

IRAN OLYMPIC COMMITTEE

MARTIAL ARTS

PHILIPPINE BOXERS

PHILIPPINE CHESS FEDERATION

PHYSICAL EDUCATION

SENADOR AQUILINO

WELFARE ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with