Lakas-CMD inIndorso ang kandidatura ni Bro. Eddie
MANILA, Philippines -Kabilang si Bangon Pilipinas Party lone senatoriable Bro. Eddie VillaÂnueva na susuportahan ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrat (CMD) sa darating na eleksyon sa Mayo.
Mismong ang lider ng partido na sina House Minority leader Danilo Suarez at President ng Lakas-CMD na si TacÂloban Rep. Martin Romouldez ang nag-anunsiyo ng mga pangalan ng kanilang mga susuportahan.

Bukod kay Villanueva, inindorso din sina Nancy Binay, Cynthia Villar at Richard Gordon.
Nauna na rin inihayag ng liderato ng Lakas-CMD na kanilang susuportahan sina Reps. Mitos Magsaysay, JV EjerÂcito, Sonny Angara, Jack Enrile, Senator Gringo Honasan at Grace Poe.
Paliwanag nina SuaÂrez at Romouldez, ang nasabing mga pangalan ay inilabas matapos na magkaroon ng kasunduan ang executive committee dahil naniniwala umano ang mga ito na iisa ang kanilang paniniwala at layunin tulad ng good governance, progress at development sa bansa.
- Latest