Abogado kritikal 2 kasama tigok sa ambush
MANILA, Philippines - Nasa kritikal na konÂdisyon ngayon ang isang abogado habang nasawi naman ang kanyang dalawang kasama matapos silang tambangan ng riding-in-tandem sa ZamÂboanga City nitong Sabado ng madaling-araw.
Sa ulat ni Zamboanga City Police Director P/Sr. Supt. Edwin de Ocampo, kinilala ang mga nasaÂwing biktima na sina Jomer Lozada at Emmanuel Lozada. Patuloy namang isinasalba ang buhay ni Atty. Homer Mabale na nagtamo rin ng mga tama ng bala sa katawan.
Sa imbestigasyon, dakong alas-3:30 ng madaÂling-araw habang lulan ng kotse si Mabale at dalawa nitong kasama pauwi na sa kaÂnilang tahanan sa Lopez Subdivision, Brgy. Tugbungan ng mangyari ang insidente.
Agad pinagbabaril ng riding-in-tandem ang behikulo ng target na si MaÂbale saka mabilis na tuÂÂmakas.
Sa kasalukuyan, ayon kay de Ocampo ay iniimÂbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng pananambang sa mga biktima.
Narekober naman sa pinangyarihan ng insidenÂte ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
- Latest