^

Police Metro

HS student dedo sa kidlat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang 19-anyos na estudyante habang nasa kritikal namang kondisyon ang isa pa makaraang tamaan ng kidlat sa loob ng kanilang paaralan sa Brgy. Poblacion, Payao, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Edilberto Malbuyo Jr., 2nd year  sa Sto. Niño National High School at residente ng Brgy. Mabuhay, Zam­boanga Sibugay.

Ginagamot naman ngayon sa Payao Muni­cipal Hospital si Stephen Quirante, 17, bagong gra­duate sa Payao National High School.

Sinabi ni Chief Ins­pector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-5:00 ng hapon habang kasalukuyang nakaupo ang dalawang biktima sa loob ng campus ng  naturang eskuwelahan ng biglang umulan na may kasamang kulog at kidlat.

Nasa silong naman ang dalawa kaya hindi na umalis sa kanilang kinalalagyan pero nasapul ng kidlat si Malbuyo na agad nangisay at nasawi sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon kay Huesca, nagtamo si Malbuyo ng matitinding sunog sa kaniyang katawan habang si Quirante ay nagtamo ng 3rd degree burn.

Ikinagulat at natakot naman ang iba pang estudyante sa loob ng paaralan sa nangyari sa dalawa.

Naghihinagpis naman ngayon ang mga magulang ni Malbuyo sa sinapit na trahedya ng kanilang anak.

Nakikiramay naman sa pamilya ng biktima ang pamunuan ng Sto. Niño National High School na nagsabing ikinalulungkot nila ang naganap na hindi inaasahang trahedya sa loob ng kanilang paaralan.

ARIEL HUESCA

BRGY

CHIEF INS

EDILBERTO MALBUYO JR.

MALBUYO

NATIONAL HIGH SCHOOL

PAYAO MUNI

PAYAO NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with