Kandidatong konsehal todas sa heat stroke
MANILA, Philippines - Isang kandidatong konÂsehal ng Liberal Party (LP) ang nasawi habang isa pa ang naratay sa ospital matapos na tamaan ng heat stroke sa Pagasa Island, ang pinagtatalunang Spratly Islands sa West Philippine Sea.
Kinumpirma ni Pagasa Island reelectionist Mayor Eugenio Bitoon ang pagkamatay ng kanyang konsehal na si Allan Nepomuceno na nasawi sa kasagsagan na rin ng campaign period para sa local elections sa kanilang isla kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo 2013.
Inihayag din ni Bitoon na tinamaan din ng heat stroke ang kanyang supporÂter na si Reynaldo Balsomo.
- Latest