^

Police Metro

Umbagerong ama dinedo ng anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang anak ang sarili nitong ama matapos umabot na sa sukdulan ang galit nito nang muling sasaktan ang kanyang ina at kapatid kamakalawa sa Brgy. Isio, Cauayan, Negros Occidental.

Ang nasawi ay kinila­lang si  Esteban Bargamento, 48-anyos na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad na nadakip ang  suspek na si Randy Bargamento, 23-anyos na kinasuhan ng parricide.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:00 ng hapon ay muling magwala ang biktima habang nasa impluwensya ng alak sa loob ng kanilang bahay.

Sinaway ito ng suspek dahil sa akmang sasaktan na naman ang kaniyang ina at mga kapatid na hindi na­gustuhan ng biktima kaya’t nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ng mag-ama ay bu­munot ng patalim ang biktima kaya’t napilitan din ang anak nito na kumuha  rin ng kutsilyo at nagduwelo sila.

Dahil sa kalasingan ng biktima ay nanaig ang lakas ng anak na bagaman tinamaan ng saksak sa kamay ay tinalo naman sa duwelo ang ama nang masaksak at  mapatay ito.

Ayon sa suspek na sa tuwing malalasing ang kan­yang ama ay palagi umano nitong sinasaktan ang kanilang ina at maging silang magkakapatid.

Hindi nakitaan ng bahid na pagsisisi ang anak sa pag­kakapatay sa umbagero nitong ama.

 

AYON

BATAY

BRGY

CAUAYAN

DAHIL

ESTEBAN BARGAMENTO

ISIO

NEGROS OCCIDENTAL

RANDY BARGAMENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with