Ex-OFW nasolo ang P7.8-M sa lotto jackpot
MANILA, Philippines -Napanalunan ng isang dating overseas Filipino worker ang P7,867,515.60 matapos matumbok ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 nitong Abril 5 draw.
Ang 40-anyos na OFW na mula sa Parañaque City ang solong nakahagip ng jackpot prize sa kombinasyon na 12-29-40-32-41-01 makaraang tumaya ng P10.00. Mula pa ng 1995 ay mananaya na sa lotto ang bagong milyonaryo.
Ayon sa bagong milyonaryo dalawang taon siyang nagtrabaho sa Singapore sa isang construction project, at dun ay tumataya rin siya ng lotto. Bago umuwi ang bagong milyonaryo ay dumaan siya sa lotto outlet ng Singapore at nakita niya ang resulta ng nanalong numero na agad niyang isinulat ang mga ito.
Nang bumalik na sa Pilipinas, inalagaan at tinaÂyaan niya ang mga numero sa lahat ng lotto games. matapos ang isa at kalahaÂting taon (1 1/2) nagbunga ang pag-titiyaga nito.
Agad na bibili ng bahay at lupa, magtabi para sa pag-aaral ng apat na anak na pawang nasa kolehiyo at magtatayo ng sariling neÂgosyo.
- Latest