^

Police Metro

Dagdag na benepisyo ng mga beterano, dedma sa senado

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nagpahayag ng ma­riing pagkadismaya si Bataan Rep. Herminia Roman dahil sa patuloy na pagdedma o hindi pagpansin ng Senado sa panukalang batas na sanay magbibigay ng dagdag na burial as­sistance ng mga war veterans sa bansa.

Si Rep. Roman, chair­­person ng House Com­mittee on Veterans affairs and welfare, ay nag­lalayong bigyang pugay ang kontribusyon at kabayanihan ng mga Pilipinong Beterano sa pamamagitan ng kanyang House Bill 229.

Ang nasabing panukala ay nakapasa na  sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara na naglala­yong magtataas sa bu­rial assistance ng mga be­terano mula P10,000 ay gawing P20,000 at nai-akyat na sa Senado noon pang 2011.

Subalit lumipas na ang ilang taong pag­gu­nita sa Araw ng Kagi­tingan ay nakatengga la­mang ito sa Mataas na Kapulungan ang counter-part measure na Senate Bill 2851.

Giit ng mambabatas, maituturing sanang magandang regalo para sa mga war veterans kung maipapasa na ang pa­nukalang batas.

BATAAN REP

HERMINIA ROMAN

HOUSE BILL

HOUSE COM

PILIPINONG BETERANO

SENADO

SENATE BILL

SHY

SI REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with