Barko ng China sumadsad sa Tubbataha Reef
MANILA, Philippines -Isa namang barkong pangisda ng China ang nabalahura sa sinasabing ‘protected area’ na Tubbataha Reef.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Col. Edgard Arevalo, Philippine Navy Spokesman for West PhiÂlippine Sea.
Base sa report ni Ms. Angelique Songco ng Tubbataha Reef Natural Park kay Commodore Joseph Rostum Pena, Commander ng Naval Forces West, sinabi ni Arevalo na bandang alas-11:45 ng gabi nitong Lunes ng sumadsad ang fishing vessel ng China sa North Islet, Tubbataha Reef.
Naganap ang insidente sa kabila ng hindi pa nakakabangon ang Tubbataha Reef sa pinsalang tinamo nito sa pagsadsad ng USS Guardian noong Enero 17.
Naialis ang wreckage ng chinop-chop na bahagi ng US minesweeper sa Tubbataha Reef nitong nakalipas na Marso 30.
Ayon kay Arevalo ang fishing vessel ng China na may marking Nr 63168 ay may 12 tripulanteng mga illegal na mangingisdang Chinese. Sumadsad ito may 1.1 nautikal na milya ang layo sa Tubbataha Reef Ranger Station. Nabatid na ang naturang fishing vessel ay nasa 48 metro, gawa sa bakal.
Samantala, pinaiimÂbestigahan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang ulat na pagsadsad ng isang Chinese fishing vessel sa ‘protected area’ ng Tubbataha Reef.
- Latest