^

Police Metro

Pagkatay ng kalabaw ibabawal na

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa sandaling maisabatas ang panukalang isinusulong ni Batangas Rep. Mark Leandro Mendoza ay mahigpit nang ipagbabawal ang pagkatay sa kalabaw at paggamit nito bilang pamalit sa karne ng baka.

Nakasaad sa panukalang batas na mas maka­kabuti palaguin ang carabao breeding sa bansa at patawan ng mabigat na parusa sa mga magkakatay nito.

Ang nasabing panukalang batas ay Orihinal na isinulong  na yumaong Sorsogon Rep. Salvador Escudero III nitong 15th Congress na pumasa sa pinal na pagbasa sa Kamara at naghihintay na lamang nang pag-aprub ng Senado.

Inaamyendahan ng panukala ang Section 6 ng Republic Act 8485, o “Animal Welfare Act of 1998,” nagsasaad sa kondisyon sa pagpayag sa pagkatay ng kalabaw.

Sa ilalim pa ng panukala, tanging mga kalabaw na lalaki na edad 7 taong pataas at 11 taon naman sa babae ang maaaring katayin matapos makakuha ng kaukulang permit mula sa pamahalaan.

Hindi rin maaaring ma­bigyan ng slaughter per­mit ang isang tao na hi­hingi nito nang walang kasamang sertipikasyon mula sa provin­cial o city veterinarian na nasa kaukulang edad at wa­lang sakit ang kakata­ying ka­labaw.

 

 

 

vuukle comment

ANIMAL WELFARE ACT

BATANGAS REP

INAAMYENDAHAN

KAMARA

MARK LEANDRO MENDOZA

REPUBLIC ACT

SALVADOR ESCUDERO

SHY

SORSOGON REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with