^

Police Metro

RJ pinalakas ang BADAC sa barangay

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Higit pang pinalakas ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Caloocan City Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa bawat barangay upang tuluyang masugpo ang problema sa droga sa buong lungsod.

Ayon kay RJ, patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa lahat ng barangay officials sa buong lungsod upang mahuli ang mga drug pushers na nagpapakalat ng ipinagbabawal na droga habang nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga kaanak ng mga drug users upang madala ng mga ito sa rehabilitation centers para gumaling.

Sa pamamagitan ng hakbang na ito ni RJ ay mababawasan ang pagkalat ng droga sa lungsod na matagal na ring problema hindi lamang ng Caloocan City kundi maging ng buong bansa dahil na rin sa dumaraming bilang ng mga drug dealers.

Sinabi pa ni RJ, pinakikilos na rin nila ang mga barangay tanods sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga ito ng curfew sa kanilang mga lugar upang mabawasan ang mga kabataang tumatambay sa gabi sa mga kalsada na kadalasang naiimpluwensiyahan sa paggamit ng droga.

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY COUNCILOR RICOJUDGE

DRUG ABUSE COUNCIL

ECHIVERRI

HIGIT

LIGA

PILIPINAS PRESIDENT

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with