Dingdong Dantes, kape lang ang kapalit ng pag-endorso kay Bam Aquino
MANILA, Philippines - Kape lang umano ang kapalit ng pag-endorso ng multi-award-winning actor at youth advocate na si Dingdong Dantes sa pinakabatang Team PNoy senatoriable na si Benigno ‘Bam’ Aquino.
Ayon kay Dingdong, matagal na niyang hinangaan si Bam dahil sa pagiging youth leader nito at dahil sa pagiging matulungin nito sa mahihirap. Nagkatrabaho na dati sina Dingdong at Bam nang ang batang Aquino ay maging chairman ng National Youth Commission mula 2003 hanggang 2006. Si Dingdong naman ay ang chairman ng YES Pinoy Foundation, isang non-profit organization na nagbibigay ng mga scholarships at iba’t ibang uri ng tulong sa mga batang mahihirap at hindi makapag-aral.
Sa isang kalalabas lang na online video, ipinakita si Dingdong sa headquarters ng Team Bam, kung saan ang mga volunteers ay nag-aayos ng mga collaterals at iba’t-iba pang gamit pang-kampanya. Inilunsad rin sa video na ito ang “BAMwagon,†ang volunteer movement ng kampanya ni Bam.
Ayon kay Bam, malaki ang pasasalamat niya kay Dong at sa iba pang mga volunteer na talagang nagbuhos ng kanilang mga kakayahan para sa kampanya nang walang hinihinging kapalit.
- Latest