PCOS machines kinakapos sa HK
MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na ma-impeach ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa sandaling tuluyang ma-disinfranchises ang mga migrante.
Ito ang babala ni BaÂyan Muna Rep.Teddy Casiño matapos makumpirma sa kaniyang pagdalaw sa Hong Kong ang kakapusan ng PCOS machines at mga balota para sa overseas absentee voting.
Kaya’t sinabi ng mambabatas na maituturing na impeachable offense kapag hindi nakaboto ang mga overseas Filipino workers dahil sa mga nabanggit na dahilan.
Nauna nang ipinaabot ng COMELEC sa mga FiÂlipino community sa Hong Kong na habang dumarami ang bansang nasasakop ng OAV ay magbabawas din ang komisyon ng bilang mga PCOS machines ng hanggang sa siyam lamang.
Giit ng mambabatas, malaking problema ito dahil sa ang registered voters sa Hong Kong ay tumaas ng hanggang 122,820 mula sa 95,000 noong 2010. Ang mga OFW ay binibigyan ng hanggang 30 araw upang makaboto lalo pa’t sa Hong Kong ang mga OFW ay libre lamang sa tuwing araw ng linggo.
Nitong 2010, may 6,000 migrante ang bomoto o tumugon sa OAV at pinangangambahang ito ay bababa pa dahil sa pagbabawas ng PCOS machines at libu-libong OFW ang tiyak na hindi makaboboto.
- Latest