Gotesco Grand Central, gumuho
MANILA, Philippines - Gumuho ang ikalawang palapag na Gotesco Grand Central sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon na siyang dahilan ng lalo pang pabigat ng daloy ng trapiko sa lungsod.
Ayon sa report, dakong alas-5:10 ng hapon nang biglang gumuho ang gusali kaya napilitan ang mga awtoridad na isara ang Rizal Avenue Ext., sa harap ng nasabing mall upang linisin ang mga nagkalat na debris na naging sanhi ng lalo pang pagbigat ng daloy ng mga sasakyan.
Nabatid na nasunog ang nasabing mall noong Marso 16, 2012 at idineklara itong condemned building.
Kalalabas lamang umano ng mga manggagawa sa loob ng mall nang gumuho ito kung kaya walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.
- Latest