^

Police Metro

Ginang patay sa heat stroke

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang isang 50-anyos na ginang na umano ay tinamaan ng heat stroke habang nakasakay ito sa isang pampasaherong bus kamakalawa sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si Leonor Tabacu, 50, nakatira sa  San Antonio, Nueva Ecija.

Batay sa pahayag ni Jeho Balabagan, 19, conductor ng pampasaherong bus na hindi na binanggit ang  pangalan sa report, dakong alas-2:45 ng hapon ay nakasakay ang biktima  sa kanilang bus.

Pagsapit sa pagitan ng R. Papa St., at 2nd Ave­nue, Caloocan City ay biglang nawalan ng malay si Tabacu kaya’t kaagad isinugod sa naturang ospital, subalit hindi na ito nakarating ng buhay.

Isa sa mga teorya ng pulisya, hinihinalang tina­maan ng heat stroke si Tabacu dahil sa sobrang init ng panahon.

BATAY

CALOOCAN CITY

JEHO BALABAGAN

LEONOR TABACU

NUEVA ECIJA

PAPA ST.

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

SAN ANTONIO

TABACU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with