^

Police Metro

16 Taiwanese dinakip ng NBI sa pekeng credit card

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Labinlimang lalaki at isang babae na pawang Taiwanese na sangkot sa pekeng credit card scam ang dinakip ng mga tauhan ng  National Bureau of Investigation (NBI) sa Balanga, Bataan.

Ang mga suspek na nasa edad 22 hanggang 25 ay agad na isinailalim sa inquest proceedings ng piskalya sa kasong paglabag sa access device law.

Nabatid na bahagi ng modus ng mga suspek na kumalap ng account information mula sa credit cardholder at sa pamamagitan nito nakakagawa na umano ang mga suspek ng pekeng credit card.

Iniimbestigahan pa ng NBI kung gaano na katagal at kalawak ang operasyon ng sindikato sa Subic Bay area.

Pinaalalahanan ng NBI ang mga credit card hol­der na mag-ingat sa mga nagkalat na  nagnanakaw ng mga impormasyon sa  credit card.

Mananatili ang mga Taiwanese sa pangangalaga ng NBI  habang hindi pa sila nakapaghahain ng piyansa para sa kanilang pansaman­talang paglaya habang dinidinig ng husgado ang kanilang mga kaso.

 

 

BALANGA

INIIMBESTIGAHAN

LABINLIMANG

MANANATILI

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SUBIC BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with