Evacuees mula Sabah umabot na sa 5,692
MANILA, Philippines - Umabot na sa 5,692 Pinoy evacuees mula sa Sabah ang nagsiuwi dahil sa apektado ng krisis doon.
Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at sa nasabing bilang ay nasa 2,951 ang mga matatanda at 2,107 naman ang mga bata habang 634 pa ang isinasailalim pa sa proseÂso ng beripikasyon sa edad ng mga ito.
Ang mga evacuees ay dinala sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi na pawang mga residente sa lugar.
Magugunita na suÂmiklab ang krisis sa Sabah noong Pebrero 12 ng taong ito matapos na sakupin ng 200 armadong Sulu Royal Army sa pamumuno ng crowned prince na si Raj Muda Agbimuddin Kiram ang Lahad Datu, Sabah sa misyong bawiin na ang lupain na pag-aari umano ng kanilang mga ninuno.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang all out assault operations ng Malaysian security forces laban sa grupo ni Kiram kung saan daang katao na ang nasawi.
- Latest