^

Police Metro

Pagkalat ng bagong bird flu virus ikinabahala

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad na pinakalma ng Department of Health ang publiko at sinabi na walang dapat ipangamba laban sa umano’y panibagong pagkalat ng bird flu virus na H7N9.

Sinabi ni Dr. Lyndon Lee Suy, pinuno  ng Emerging and Re-emer­ging Diseases ng DOH, wala pang pang dokumentadong kaso ng human-to-human transmission ng naturang bird flu.

Ang katiyakan ay ginawa ng doctor dahil na rin sa pangamba ng publiko na makapasok sa bansa ang naturang sakit  na na­kamamatay.

Hindi pa tukoy  kung ang H7N9 ay galing sa ibon, baboy o sa mga tao.
Binanggit pa ng doktor na  hindi pa rin malinaw kung bagong uri ng mikrobyo o mutation ang nasabing virus.

Magugunita na lumabas sa ulat sa China na tatlo katao ang kumpirmadong tinamaan ng H7N9  na ang dalawa rito ay namatay at sa ngayon ay sinasabing may apat  pang tinamaan ng H7N9 na umano ay nasa kritikal na kondisyon.

BINANGGIT

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. LYNDON LEE SUY

EMERGING AND RE

H7N9

MAGUGUNITA

PANG

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with