Navy nakaalerto sa tension ng NoKor at SoKor
MANILA, Philippines - Kaugnay ng lumalaÂlang tensyon sa pagitan ng North at South Korea sa posibleng pagpapakawala ng nuclear weapon ay umalerto na rin kahapon ang Philippine Navy.
Nabatid na naka-standby ang 3 barko ng Navy na anumang na anumang oras ay kanilang ide-deploy sakaling magtuloy tuloy ang gulo ng dalawang nuclear power na bansa.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lieutenant Commodore GreÂgory Fabic Jr., naghanda na rin ng contingency measure ang Philippine Air Force (PAF) kung saan ay naka-standby na ang dalawang C-130 plane na maaaring pagkasyahan ng 80-100 katao bawat isa upang sunduin sa South Korea ang tinatayang nasa 42,000 mga Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng kaguluhan.
Maliban sa 3 barko nakaalerto na rin ang 2 logistics vessels at mga escorts nito sa ilalim ng operational control para magmando naman sa Fleet Marine Ready Force (FMRF)
Ang mga kagamitang ito ay pagagalawin lamang ng Philippine Navy base sa direktiba ng kanilang higher headquarters at kapag may go signal na ng palasyo ng Malacañang.
Nabatid pa sa opisyal na tinatayang tatagal ng pitong araw bago makaraÂting ng South Korea ang mga barko ng Philippine Navy para sunduin ang mga OFWs doon.
- Latest