Solenn HeuSsaff may tax liability na P3.6-M
MANILA, Philippines - Dahil umano sa pagkaÂbigo na mabayaran ang buwis sa pamahalaan na isang paglabag sa Section 254 at Section 255 ng National Internal Revenue Code of 1997 o Tax Code ay kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ng kasong tax evasion ang artistang si Solenn Heussaff (Solenn Marie Adea Heussaff) sa tunay na buhay.
Kasama rin sa kinasuhan ang Certified Public Accountant ni Heussaff na si Teofilo Magno Jr. na nag certify sa financial statements ni Heussaff.
Si Heussaff na isang aktres, television host, model, singer at endorser ng iba’t ibang produkto sa Pilipinas ay nakatira sa No.17 Tamarind St., Forbes Park, Makati at may business address sa No. 1970 Kasoy St., Dasmariñas Village, Makati.
Sa rekord ng BIR, si Heussaff ay kumita ng P13.38 milyon noong 2011 pero naideklara lamang ng CPA nito na kumita lamang ng P6.73 milyon noong 2011 batay sa naideklara nito sa kanyang Income Tax Return (ITR) para sa taong 2011.
Lumalabas na may P3.6 milyon na tax liabiÂlity ang naturang aktres noong 2011. – Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja –
- Latest