Child trafficker kulong ng habambuhay
MANILA, Philippines -Pinatawan ng habambuhay ng pagkabilanggo ng Manila Regional Trial Court ang isang lalaki na sangkot sa kasong trafficking and commercial sexual exploitation of minors.
Sa desisyon ni Judge Roberto P. Quiroz ng MaÂnila RCT Branch 29, napatunayang nagkasala sa kaso ang akusadong si Sonny Francisco.
Batay sa ulat ng korte na nag-ugat ang parusa kay Francisco nang hiÂmukin ang magkapatid na menor-de-edad mula sa lalawigan ng Samar (isang 12-anyos at isang 15-anÂyos) noong 2007 na dalhin sila sa Maynila para mabigyan ng trabaho sa kanyang kaibigan.
Sa halip na dalhin sa kaibigan ay sa bahay mismo ni Francisco dinala ang magkapatid kasama ang iba pang kabataan.
Ibinenta ni Francisco at ng kanyang misis ang mga menor-de-edad kapalit ang pakikipagtalik sa mga lalaki.
Ang mga biktima ay sinasamahan umano sa hotel ng akusado kung saan sila ay puwersaÂhang pinakikipagtalik sa mga kliyente habang ang mag-asawang Francisco ay naghihintay sa lobby ng hotel.
Nailigtas ang mga biktima nang humingi ng tulong ang ina ng magkaÂpatid sa otoridad.
- Latest