P1.5-B rehabilitasyon ng Olongapo power system, arangkada na
MANILA, Philippines - Umaasa si Olongapo City Mayor James Gordon Jr. na makukumpleto ng Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC) ang transisyong nakasaad sa 25-taong prangkisa nito sa Abril 30, 2013 sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 10373 na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagsasapribado ng Public Utility Department (PUD) matapos simulan ang P1.5 B rehabilitation program sa power distribution infrastructure lungsod.
Ayon kay Gordon, dahil sa rehabilitasyon ng OECD ay nakakaranas ng pansamantalang brownouts sa ilang barangay ng Olongapo na sinasamantala ng mga kalaban niya sa politika upang siraan siya at ang mga opisyal ng lungsod na nagsulong sa modernisasyon ng power distribution system.
“Sinisiraan ako ng mga kritiko kahit alam nilang para sa kabutihan ng taga-Olongapo ang rehabilitasyong ginagawa ng OECD,†ani Gordon. “Kapag naisaayos na ang power distribution network sa pagsasapribado ng PUD ay tiyak na mananahimik na ang mga oposisyong ito dahil mawawala na ang brownouts.â€
Ayon kay PUD manager Louie Lopez, binigyang prioridad ng OECD ang mga lugar tulad ng Sta. Rita, Mabayuan, Kalaklan at Gordon Heights dahil maraming pagbabagong dapat isagawa roon.
Sa ilalim ng RA 1037, inaatasan ang OECD na magsagawa ng kaukulang rehabilitasyon para makapagsuplay ng koryente sa abot-kayang halaga sa mga tagakonsumo ng Olongapo at mga karatig lugar. Ngunit mawawalan ng bisa ang prangkisa nito kung hindi tuloy-tuloy ang maayos na operasyon sa loob ng dalawang taon.
- Latest