4 sakay ng motor sumalpok, bata dedbol
MANILA, Philippines - Isang 7-anyos na baÂtang lalaki ang nasawi habang ang kanyang mga magulang ay kritikal habang ang kanyang kapatid ay galos lang ang natamo matapos ang motorsiklo na kanilang sinasakyan ay nabundol ng isang pampasaherong jeep kahapon sa Pasig City.
Ang nasawing bata ay kinilalang si Justin ForÂmilles, kritikal naman at isinugod sa Pasig City General Hospital ang ama nitong si Simporiano Formilles Jr., 36, misis na si Jemma, 38.
Habang ligtas naman sa panganib ang 8-anyos nitong kapatid na si Vince na nagtamo lang ng galos.
Batay sa ulat ng pulisÂya, dakong alas-3:00 ng madaling-araw ay lulan ang pamilya sa isang motorsiklo na minamaneho ng ama na si SimporiaÂno at tinatahak ang kahaÂbaan ng Eastbank Road, Floodway, Brgy. Sta. Lucia nang ito ay mabundol ng isang ruÂmaragasang pampasaherong jeep (EFY-490).
Tumilapon ang apat na sakay ng motor kung saan agad na nasawi si Justin na walang suot na helmet.
May suot naman na helÂmet ang mag-asawang Formilles ngunit napuruhan din sa kanilang pagbagsak sa kalasada.
Masuwerte namang buÂmagsak sa katawan ng mga magulang ang anak na si Vince kaya galos laÂmang ang tinamo nito.
- Latest