^

Police Metro

Puslit na electronics at novelty item nasabat ng BOC

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang ibat-ibang uri ng electronics at novelty item na nagkakahalaga ng P15-milyon sa Iloilo International Airport.

Ayon kay Comm. Rozzano “Ruffy” Biazon, inatasan niya kamakailan si  Ricky Rebong, hepe ng Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng  BoC  na magsagawa ng inspection sa airport ng Iloilo matapos silang makatanggap ng intelligence report na ang mga dumating na kargamento na naglalaman ng mga electronic gadgets at novelty item tulad ng I-pad at cellphones ay pawang mga smuggled.

Agad namang kumilos at gumawa ng aksiyon si Rebong na nagresulta ng pagkakakumpiska ng mga ‘hot items’ na sakay ng Cebu Pacific,  flight no. 5J243.

Wala pang lumulutang na consignee sa mga nabanggit na kargamento.

Samantala, nagsagawa rin ng inspection ang mga tauhan ni Biazon sa Port of Legazpi at nasamsam nila  ang 94,000 sakong smuggled na bigas na ga­ling ng bansang Vietnam na nagakakahalaga ng P135-milyon.

Ang mga consignee ng naturang bigas ay ang Samahan Ng Magsasakang Kapampangan at Katalugan, Malipampang Concerned Citizens, Inc., Ugnayang Magbubukid ng San Isidro, Inc. at  Kapatirang Takusa na nakatakdang kasuhan ni Biazon dahil sa paglabag sa Section 2530 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at sa  Department of Agriculture (DA) Rules para sa  rice importations.

vuukle comment

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CEBU PACIFIC

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ILOILO INTERNATIONAL AIRPORT

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE

KAPATIRANG TAKUSA

MALIPAMPANG CONCERNED CITIZENS

PORT OF LEGAZPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with