^

Police Metro

Easter shootout: 4 todas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat ang patay at tatlo ang nasa malubhang kalagayan, kabilang ang dalawang bata na tinamaan ng ligaw na bala makaraang magka-engkwentro ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at mga miyembro ng sindikatong nagbebenta ng  ipinagbabawal na gamot sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kahapon ng tanghali.

Dalawa sa  apat na nasawi  ay kinilalang sina  Ato Mohammad, 36 at Alvin Pilas, 19,  residente ng  Blk.7,  Lot 80,  Baseco Compound, Port  Area, Maynila.

Narekober ng pulisya sa apat na nasawi ang dalawang kalibre .45 baril at dalawang  kalibre .38 na ginamit sa pakikipagpalitan ng putok sa mga tuhan ng Baseco PCP na pinamunuan ni C/Insp. Nicolas Pinon.

Agaw buhay naman ang nasa panig ng mga awtoridad  na  si Junrey Cabual, 35, barangay tanod ng Brgy. 649, Zone 68, sa ilalim ng pamunuan ni Barangay Chairman Cris Hispano na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan at tumagos sa likurang bahagi ng katawan nito na ngayon ay ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Habang ang dalawang bata naman ang tinamaan ng ligaw ng bala ay kinilalang sina Galbz Gabinete, 10 at  Alrnie Legato, 8, residente rin sa lugar.

Ayon kay C/Insp. Pinon, dakong alas-10:00 kamakalawa ng gabi nang may magbarilan ang mga kalalakihan sa nasabing lugar kaya rumesponde ang kanilang puwersa sa pamumuno ni MPD-Station 5 P./Supt. Ferdinand Quirante.

Inabot ng madaling araw sa isinagawang follow-up operation subalit hindi natunton ang mga suspek pero kahapon ng umaga ay may nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad sa ki­naroroonan ng mga suspek na sinasabing nagtatago malapit sa Aplaya.

Dakong alas-11:10 nang dumating sa lugar ang mga awtoridad su­balit agad umano silang pinaputukan ng mga suspek kung saan ay nasapol sa tiyan ang barangay tanod.

Gumanti ng putok ang mga pulisya na nagresulta ng pagkamatay ng apat na hinihinalang mga pusher.

ALRNIE LEGATO

ALVIN PILAS

ATO MOHAMMAD

BARANGAY CHAIRMAN CRIS HISPANO

BASECO COMPOUND

FERDINAND QUIRANTE

GALBZ GABINETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with