^

Police Metro

3 Extortionist dedo sa encounter

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang tatlong extortionist makaraang lumaban sa mga sundalo na sumita sa kanila sa Zamboanga del Sur, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Major Edgardo Amores, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID) ang mga napatay na suspek na sina Amih Andi, Ambak Magusan alyas Imbok at Rasul Manguda.

Ayon kay Lt. Col Yegor Rey Barroquillo Jr., Commander ng Army’s 44th Infantry Battalion (IB), unang napatay sina Andi at Magusan.

Bandang alas-5:40 noong Huwebes Santo habang nagsasagawa ng security patrol ang  tropa ni Barroquillo at ng lokal na pulisya ng makasagupa  ang grupo nina Andi at Magusan sa liblib na lugar sa Brgy. Danganan, Lapuyan ng lalawigan.

Nitong Biyernes Santo ng umaga ay muling sumiklab ang bakbakan  sa pagitan ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar na nagresponde sa text message ng mga sibilyan laban sa grupo ng mga suspek na nangha-harass sa mga residente sa may dalampasigan ng Brgy. Tibalgo, Margosatubig, Zamboanga del Sur.

Nagkaroon ng ilang minutong putukan na ikinasawi naman ng isa pang lider ng mga extortionist na kinilalang si Rasul Manguda.

 

vuukle comment

AMBAK MAGUSAN

AMIH ANDI

ANDI

BRGY

COL YEGOR REY BARROQUILLO JR.

HUWEBES SANTO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MAGUSAN

MAJOR EDGARDO AMORES

RASUL MANGUDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with