Holdaper ng jeep dedo sa taumbayan
MANILA, Philippines -Hindi na ipinarating sa himpilan ng pulisya ang isang lalaking nangholdap ng isang pampasaherong jeep matapos na kuyugin ng taumbayan na humabol sa kanya naganap kahapon ng madaling-araw sa Sta.Ana, Maynila.
Walang nakuha na pagkakakilanlan sa napatay na suspek na inilarawan ng pulisya na ang edad ay nasa pagitan ng 18-20, may taas na 5’4â€, payat ang pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na sando at puting jersey shorts.
Batay sa ulat, bago nakuyog ang suspek dakong alas-3:00 ng madaling-araw sa kanto ng Tenorio at A. Francisco Sts., Sta. Ana, Maynila ay hinoldap muna nito ang mga pasahero ng isang pampasaherong jeep (DNA-744).
Nasaksihan naman ng isang barangay tanod na si Reggie Pangilinan, 37, ng Brgy. 790, Zone 86 District 5, ang panghoholdap ng mga suspek kaya’t ginamit niya ang silbato upang maalarma ang mga residente.
Hindi niya na nakita ang mga holdaper hanggang sa mabalitaan niya na may isang lalaking kinuyog at napatay ng taumbayan malapit sa lugar at kinumpima niya na kasama ito sa mga nangholdap sa nasabing dyip.
- Latest