May kapangyarihan ang mga tribu sa Davao – Kiblawan mayor
MANILA, Philippines - Inihayag ni Kiblawan, Davao del Sur Mayor MaÂrivic Diamante na nakiÂkipag-ugnayan ang local government unit (LGU) sa iba pang ahensiya ng gobyerno upang matiyak na nakokonsulta ang komunidad ng mga tribu sa lugar ng panukalang Tampakan mining project bago ito simulan.
“Nakikipag-ugnayan ako sa pinuno ng LGUs ng Tampakan, South Cotabato; Malungon, Sarangani; at Columbio, Sultan Kudarat upang matiyak na ang tribal communities sa nasabing mga bayan ay napoprotektahan ng batas.†wika ni Diamante.
Nilinaw ng abogadang alkalde na ang kinontrata ng gobyerno para sa miÂning project na Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ay serÂyoÂso rin na konsultahin ang tribal communities at may mahabang proÂseso sila upang matiyak na makukuha ang wastong pahintulot mula sa mga tribu.
Naunang sinabi ni Fulong Gideon Salutan, municipal tribal chieftain ng Kiblawan, na pinahahalaÂgahan nila ang tulong ni Diamante upang matiyak na napoprotektahan ang tribal communities.
“Kung maayos ang pagmimina, magkakaloob ito ng mga trabaho, oportunidad sa kabuhayan, karaniwang social services at emprastruktura tulad ng farm-to-market roads.†ani ni Salutan.
- Latest