2 senglot nagpatayan
MANILA, Philippines - Marahil sa sobÂrang kalasingan at hindi magkaÂintindihan habang nag-iinuÂman ang dahilan nang pagduwelo ng isang magÂkaibigan na kapwa nila ikinasawi kamakalawa ng gabi sa Brgy. De Ocampo, Trece Martirez City, Cavite.
Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Wilfredo Batham, alyas Boy, 57, may-asawa, driver at residente ng #058 Daang Ilog Purok 1 ng nasabing barangay at Cesar Mabilin alyas Arok, 57-anyos, may asawa, driver at kapitbahay ng una.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi ay masayang nag-iinuman sa tapat ng kaÂnilang bahay ang magkaibigan ng sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lamang nagsigawan ang mga ito na ikinairita ng isa sa kanila. Umuwi ng bahay si Mabilin at kinuha ang kanyang kalibre 9mm at nang balikan si Batham ay pinaputukan ng sunud-sunod.
Hindi tinamaan si BaÂtham na mabilis na nakatakbo at nakapagtago sa konkretong bakod at kumuha ng kutsilyo at inundayan ng sakÂsak si Mabilin.
Kahit na may tama si Mabilin ay nagawa pa rin nitong gumanti at sunod sunod na pinutukan si Batham.
Ang dalawa ay kapwa isinugod sa M.V. Santiago Medical Center na hindi na umabot ng buhay.
- Latest