^

Police Metro

2 lalaki sinalvage

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang sinalvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Maynila.

Sa Quezon City, natagpuan ang bangkay ng lala­ki na  inilarawan na nasa pagitan ng 25-30 anyos, payat, may taas na 5’5”, na­kasuot ng kulay gray na t-shirt na may markang Patimar Seal Specialist at itim na maong pants at may heart shape na tattoo sa kaliwang bahagi ng kanyang likod.

Natagpuan  ang bikti­ma sa may Block 13, Lot 22, Walnut kanto ng Maple St., Brgy. Greater Fairview sa lungsod ng security guard na si Leo­nardo Ignacio.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­rations (SOCO) nakitaan ng bakas ng pagkakatali ang biktima sa leeg at da­lawa nitong kamay na indikasyon na posibleng pinatay ito sa pamamagitan ng pananakal.

Sa Maynila, isa ring bangkay ng hindi pa ki­lalang lalaki ang natagpuang nakasilid sa itim na trash bag kahapon ng umaga sa harapan ng Smokey Mountain, Tondo, Maynila.

Inilarawan ang biktima na may taas na 5’2”, mahaba ang buhok, payat ang pangangatawan,  may  tattoo na “Just God can save me” sa dibdib at “Nazareno” sa likod ng katawan na natagpuan dakong alas -5:00 ng umaga.

May nakitang mga pasa sa buong katawan at posibleng  pinahirapan hanggang sa mamatay ang biktima. – Ricky Tulipat, Ludy Bermudo –

 

vuukle comment

GREATER FAIRVIEW

JUST GOD

LUDY BERMUDO

MAPLE ST.

MAYNILA

PATIMAR SEAL SPECIALIST

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with