^

Police Metro

Mayor, 3 pa dinakip sa gun ban

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga pulis ang isang mayor at tatlo nitong kasama matapos na mahulihan ng mga baril sa isang checkpoint kamakalawa ng gabi sa highway ng Zone 7, Bangued, Abra.

Ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong kriminal kaugnay ng paglabag sa Comelec gun ban at illegal possession of firearms ay kinilalang sina Mayor Marcelo Biscarra, ng Luba, Abra; Federico Balboa; Mario Ambrocio, 53 at Joel Thomas, 34.

Batay sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi nang maharang ng mga otoridad na nagbabantay sa checkpoint ang kulay itim na Mitsubishi Pajero (XBS 404) na pag-aari ng alkalde sa kahabaan ng Harrison St., Zone 7, Bangued.

Ang mga suspek ay dinala sa Bangued Police Station matapos na masamsaman ng isang M16 rifle na may magazine na puno ng bala, cal 9MM pistol  na kargado rin ng mga bala na inako naman nina Thomas at Ambrocio na sila umano ang nagmamay-ari.

 

ABRA

AMBROCIO

BANGUED

BANGUED POLICE STATION

FEDERICO BALBOA

HARRISON ST.

JOEL THOMAS

MARIO AMBROCIO

MAYOR MARCELO BISCARRA

MITSUBISHI PAJERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with